|
|
Immanuel Deaf
Youth Project |
|
Marapatin ninyong ibahagi ko ang aking kagalakan, kaalaman at mga biyayang naranasan ko mula sa pagpapala ng Panginoon. Sa simula ng kasalukyang taon nakatanggap kami ng salapi mula sa Youth Service Fund in America para sa misyon ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Biblia. Ang tagumpay ng proyektong ito ay mahalagang pangyayari sa mga kabataang bingi ng Kenya. Ito rin ay isang mabuluhan at masayang yugto para sa komunidad ng mga bingi. Sa simula, ang grupo ay pinagkalooban ng isang silid sa loob ng simbahan sa kabutihan ni Rev. Mulongo para sa aming proyektong. Nakabili kami ng lahat ng mga kagamitan sa opisina katulad ng computer, printer, digital camera, at mga papel at sobre. Nakabili din kami ng 139 T-shirts na may tatak ng aming proyekto. Maari makita ang mga t-shirt na ito sa aming mga larawan.
Ang dalawang linggong Bible training ay nakakapagod ngunit
napapawi iyon ng tagumpay. Sa unang dalawang araw, mahigit 45 ng
kabataang bingi ang nakilahok. Kinailangan naming limitahin ang klase
sa 25 kalahok.
Ang mga paksang tinalakay sa Basic Bible training ay ang
sumusunod:
Pagsasalin ng Biblia sa Sign Language , tinalakay ni Rev.
Joseph
Paraan ng pagbibigay ng sermon.
Katangian ng mabuting pinuno.
Palatuntuan sa pagbibigay ng kawang-gawa sa mga liblib na lugar o
outreach program.
Si Kristo ang sentro ng Mabuting Balita ng Biblia.
Pagkatapos ng lahat, naipalaganap namin ang Salita ng
Diyos sa iba't ibang komunidad ng mga bingi. Ito ay ang mga
sumusunod:
Komunidad ng mga bingi ng Kambui
Paaralan para sa mga Bingi ng Machakos
Komunidad ng mga bingi ng Oseria
Komunidad at Paaralan ng mga bingi ng Kiseria
Sambahan ng mga bingi ng Ikinu
Sa ngayon ay may 1,090 bilang ng kabataang bingi ang
naaabot ng proyektong ito simula nooong ito'y naitatag.
Malugod ang pagtanggap sa mga Kabataan sa lahat ng lugar
na aming napuntahan at palagi ay inaanyayahang bumalik muli.
Hindi namin nabigyan lahat ng mga bingi ng t-shirt kung kaya't
kahilingan nila na mas marami ang maimprenta sa susunod na
pagkakataon. Ang mga Kabataang Bingi ang siyang naging
pangunahing tauhan sa simula't simula ng pinaka-una at mahalagang
proyektong ito.
Noong unang tatlong buwan ng gawain, nasaksihan namin ang
galing ng mga Kabataan sa pagpapaliwanag ng Salita ng Diyos sa
kapwa bingi, patunay na natanggap nila ang kalakasang espiritwal para
magampanan ang ganitong tungkulin. Ang Simbahan ng Immanuel ay
nagkaroon din ng Pagsamba para sa mga Kabataan sa kanilang Linguhang gawain
kung saan ang mga Kabataan ay binibigyan ng pagkakataon na
magsermon sa malaking kongregasyon ng mga bingi.
Ang proyektong ito ay nakaantig ng puso ng maraming bingi at
may kapansanan sa pandinig sa bansang Kenya . Sa ngayon ay may 840
mananampalataya ang naabot at napaglingkuran.
|