REBEIHI Souad
Algeria

     
 
Hello sa lahat ng mga Deaf Friends International.

*Ako ay 24 taong gulang na babae mula sa bansang Algeria.  Ako ay isang bingi, at ang pangalan ko ay Souad Rebeihi.  Ang aking mga magulang, 5 na kapatid na babae at 3 kapatid na lalaki ay nakakarinig.

* Simula noong taong 2002 at 2003, nakatamo ako ng dalawang diploma sa Computer Science sa pagddalubhasa sa microprocessors, at noong taong 2004 hanggang 2005 sa Microsoft Power Point at Microsoft Publisher.  Subali't ngayon ako ay walang trabaho at kasalukuyang naghahanap.

*  Ako ay dating mag-aaral sa Special Education for Hearing Impaired (C.E.S.D.A. ayon sa Frances na initial ng paaralan) sa Talouse, France simula 1986 hanggang 1996.  Ako ay 13 taong gulang nang umalis ako sa paaralang iyon at bumalik sa piling ng aking mga magulang sa Algeirs.

 

Isinalin sa Pilipino ni Irene Aldovino