Ecole des sourds-Muets d’Aru (ESMA) ay isang
paaralan para sa mga bingi, isang lokal na organisasyong pang
Kristiyano at pang- komunidad. Ang paaralan ay itinatag noong Agosto
2004 sa Hilagang-Silangang dako ng Demokratikong Republika ng Congo,
DRC, sa purok ng Aru, sa Distritong Ituri.
Pinagmulan
Sa pangkalahatan, sa Africa partikular ang
Distrito ng Ituri sa Hilangang-Silangan ng DRCongo, ang mga may
kapansanan na babae, lalaki at kabataan ang pinakadukha sa komunidad
ng mga Congolese dahil karamihan sa kanila ay pinagkakaitan
ng oportunidad pang-edukasyon, pang-kalusugan at pang-kabuhayan o
trabaho.
Ang nararanasan nilang kahirapan ay
nakakapinsala sa kanilang pag-unlad hindi lamang sa kanilang buhay
kundi maging sa pakikipagkapwa sa komunidad na kanilang
kinabibilangan na kadalasan ay pang-rural.
Ilan sa kanilang hinaharap na suliranin ay ang
sumusunod:
1. Balakid sa pakikipagkapwa at pang-kultura.
2. Mababang pagtingin ng lipunan: Dahil sa
kanilang kapansanan, sila ay tinuturing na walang silbi sa lipunan.
3. Sila ang kadalasang biktima ng pang-aabuso
at iba't ibang klase ng pang-aapi.
4. Karamihan sa kanila ay dukha o nagmula sa
dukhang pamilya. Ang ganitong katayuan ang naglalantad sa kanila sa
panganib ng pangaabusong sekswal at sa nakahahawang sakit na HIV at
AIDS.
5. Karamihan sa kanilang mga magulang ay
magsasaka at kumikita ng di hihigit sa US$15 kada buwan. Madami sa
mga may kapansanan na nanggaling sa mahihirap na pamilya ay itinatago
sa lipunan o di kaya'y nagiging pulubi sa lansangan. Ang ibang
kapamilya ay umiiwas sa pasaning dulot ng anak na may kapansanan o
kaya'y hinihiwalayan ng kanilang asawa. Sa ibang tribu, ang mga
bulag at bingi ay pinaniniwalaang nagdadala ng kamalasan.
Si Ginoong Ismael Byaruhanga ay nagtapos sa
Panafrican Institute Community Health College ( IPASC/Bunia /DRCongo),
Department of Community Based rehabilitation (CBR). Nasaksihan niya
ang masaklap na kalagayan ng mga taong itintakwil ang kanilang kapwa,
mga taong itinatakwil ng
Panginoon na nabubuhay sa karukhaan at kawalan
ng pag-asa. Naantig ang kanyang damadamin at diwang mapagpahalaga sa
kapwa dahil sa sariling karanasan sa kahirapan. Si Ginoong Ismael
ay nagkaroon ng masidhing nais na magdulot ng pagbabago sa
pamamagitan ng kaniyang talino, kaalaman at mga kakilala upang
matupad ang kanyang proyekto.
Kasama ng kanyang asawa na si Gng. Beatrice
Nobabo, sinimulan niya ang pagtatatag ng paaralan para sa mga bingi
noong Agosto 2004. Ang proyektong ito ay para sa benepisyo ng mga
taong may kapansanan--bingi, bulag at mga batang may pisikal na
kapansanan.
Ang Misyon ng ESMA
-Upang palaguin ang
oportunidad at pamumuhay ng ilan sa mga pinakamahirap na mamamayan
(ang mga bingi, bulag at may mga kapansanang pisikal)
- Upang isulong ang pantay-pantay na
karapatan sa lahat ng miyembro ng lipunan.
- Upang ipalaganap and salita ng Diyos at
mag-akay ng buhay sa Panginoon. Ang mga bingi ay kabilang sa mga
taong mahirap abutin. Dahil sa balakid sa komunikasyon, limitado
ang pagabot ng Mabuting Balita ng Panginoong Jesu Kristo sa kanila.
Pamamaraan
Sa pamamagitan ng aming programa, ang ESMA ay
nakikipag-ugnayan sa mga pamilya, komunidad, simbahan, paaralan at
mga lokal na organisasyon. Tumutulong kami upang alisin ang
masasamang pag-aakala at paniniwala tungkol sa mga taong may
kapansanan. Sinisikap naming buwagin ang mga balakid sa kultura at
gumagawa kami ng bagong pagkakataon at daan sa pakikilahok para sa mga
taong may kapansanan. Sinisikap naming itaguyod ang mabisa at
mabilis na pagtanggap sa kanila ng lahat ng tao sa lipunan.
Sakop ng Gawain
Edukasyon para sa mga kabataang bingi
Pagsasanay pang-trabaho para sa mga bingi na
may-edad
Pag-iwas o pag-pigil sa pagkabingi o
pagkawala ng pandinig
Pag-iwas o pagpigil sa pagkabulag
Pagbibigay lunas sa mga taong may kapansanan
sa paningin
Pang-komunidad na pagbibigay lunas sa mga
batang may kapansanang-pisikal
Programa sa pagbibigay kaalaman tungkol sa
HIV/AIDS
Pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon
sa mga bingi, na di naabot ng mga mamamahayag ng Mabuting Balita.
Isinalin sa
Pilipino ni Irene Aldovino