Phawit  Sangpunya 
THAILAND

   

Kumusta bagong kaibigan,
 
Hello kaibigan ko....ikinagagalak kitang makilala....Ang pangalan ko ay Phawit Sangpunya. Ako ay isang Thai.   Ang tawag sa akin ay Earn... ako ay 17-taong gulang.  Thai ang aking wika at ako ay kasalukuyang nagaaral sa mataas na paaralan o highschool.  Ako ay ipinanganak sa Ramathipbadee Hospital sa Bangkok, Thailand.
 
Ang Thailand ay napakagandang bansa.  Karamihan dito ay mababait, masayahin, mabubuting tao at palangiti.  Ang Thailand ay kilala bilang "Siam muang yim" na ang ibig sabihin ay "Lugar ng mga ngiti".
 
Ang mga pangunahing bayan ng Thailand ay Bangkok, Phuket, Chian Mai, at Pattaya.  Ang Phuket ay ang pinakamahalagang siyudad sa larangan ng turismo dahil ito ang pinakamagandang lugar na pasyalan sa Thailand.  Mayroon ding international airport ang Phuket.  Ang Phuket ay sinasabing ang "Perlas ng Andaman". 
 
Ang kabisera ng Thailand ay Bangkok,  ito rin ang pinakamataong siyudad sa Thailand.  Ang pangalawa sa pinakamalaking siyudad ay ang Chiang Mai at ang  ikatlo ay Hat Yai.  Phuket ang ikaapat sa pinakamalaking siyudad.  Ang Thailand ay mayroong 76 na probinsya.
 
Kaakit-akit ang halos lahat ng lugar sa Thailand ngunit mayroon din namang iilang bagay na hindi kaiga-igaya dito.  Ang ibang tao ay makasarili at may mga ilang lugar na  madumi.  Matindi ang trapiko sa mga lugar ng Bangkok, Chiang Mai, Hat Yai, at Phuket, pero OK lang sa akin dahil mahal ko ang Thailand. 
Nais ko na ang Thailand ay manatiling laging nasa kaayusan. 
Sana makapunta ka rin dito .
 
Nais ko rin malaman ang tungkol sa iyong bansa.   Inaasahan kong sasagutin mo ito….
 
Bumabati,
Earn

     

 Isinalin sa Pilipino ni Irene Aldovino